If ako si Ate Best Friend sa Jollibee commercial

OKAY. So Jollibee released a new commercial recently and it is a prerequel of the one they released early this year. Everyone was in awe with the first one, yung “vow” but on this one, hati eh.

First of all, kudos to the people behind this campaign. I’m pretty sure you all worked hard for this. Good job for thinking outside the box. Magaling yung concept. Relatable!

Back to the commercial.  MASAKIT SYA BES! If I will put myself in her exact shoes and bring this whirlwind romance to life. Heto ang aking saloobin. 

If napansin mo, that very first time na nagkatinginan tayo, Napayuko ako. It’s because sa utak ko, “oo cute ka, pero hindi mo dapat nakita na nakatingin ako sayo. Dyahe!” but then you came up to me and asked if the seat was taken. I wanted to be alone sana so I could eat and study at the same time but then here you are all cute and charming. So kahit sabi ng parents ko “Don’t talk to strangers” eh I shared my table with you. Nauto mo ako sa smile at french-fries dipped in gravy! Napa-smile tuloy ako.

Then you saw her. Oo! Nakita ko yun! She was looking at the menu – You were looking at her – I was looking at you… Sino nakatingin sakin? I should have known by then that this love-struck feeling I have is not going anywhere. But then again nauto mo na naman ako sa french fries! So kahit I feel broken inside, napa-smile mo pa rin ako. Ang saya mo kasi eh after seeing her.

I was very supportive of you na kahit na para sa kanya na yung ginagawa mo eh ok lang. Kahit sabay tayo nagmumukhang engeng, I still cheer for you,kahit deep inside ang sakit sakit na. Yung totoo, nahawa ka ba sa pagiging dense nya sayo?

Then here comes her wedding. You were standing by the aisle, staring at her, speechless, amazed and hurt at the same time habang siya staring at the altar, walking, trying not to bawl due to happiness. And me? Staring at you, crying, and convincing myself that you and I will never going to happen. But then you saw me. I looked down. I walked away. I left.

Then now, here you are, eating french-fries while reminiscing our good times together. Nakakatawa ka. Just because you realized that I have feelings for you, eh bigla mo na lang din maiisip na gusto mo din ako? Of all the people you should be the one to know that what I felt for you is something really painful. Something that needs time. If you were really my friend… best friend, hindi mo ako bigla susungaban ng ganoong hirit. Sabay hahawak ka pa sa kamay ko pagkatapos mo hawakan yung french-fries. “Nagpunas ka man lang ba? Ang greasy ng kamay mo eh!”

So, what now? You like me, ok. Why just now? Gusto kita, but I have to move on from you! Kaya nga ako nakangiti ng hinawakan mo kamay ko eh kasi this time, I know better! There’s a perfect time to find your perfect pair (Jollibee, 2017). That’s true! But this is not the right time because you are not the one for me! You will always be my friend and I deserve someone better than you to be my “the one”.

Sabi sayo Jollibee eh, relatable siya!

That’s it for now!

Ash.

Movie: Welcome to Camp Sawi! BALANG ARAW!

Re-post from my old account published: February 9, 2017

“Hindi uso ang seatbelt, Parang love, walang safety net!” – Camp Sawi, 2016

Trailer

When I saw their trailer, parang another chick flick na mema lang. Hindi man lang ako nainteresado BUT when the film started showing up sa cinema and made a buzz dun ako nagkaron ng interes. Sabi nga, don’t judge a movie, by it’s trailer!

“Sino ba kasing heart broken ang maganda?, sasaksakin ko!” – Bridget (2016), Camp Sawi

Cast

At first, I was like a ok. I was never a fan of any of them butI think these girls gave justice sa role nila. They were perfect even yung mga supporting.

Tho, I think mas mabigyan ng justice ni Janus Del Prado yung role ni Cholo Baretto. If Janus had that role, I will be asking for much more story for his role. Para makita rin ang side ng pagmmove on nila, as well as ni Sam.

I like Arci and Bella’s role, very natural yung arte nila kahit yung pagbitaw ng mga linya at mura na ang lulutong! Super bagay sa kanila. Yassi’s role was ok din… cute.

Most importantly, Ang lakas maka-body goals ng movie na to ng dahil sa cast!

“Alam mo ba kami, yung mga panget, kapag nagkaka-jowa, sobrang blessing yun! So kapag nawala, sumpa! Sumpa yun! – Camp Sawi, 2016

Scenes

My favorite scene of all, and I think halos lahat naman ng nakanuod. Yung scene when Arci went to Bella’s room, maghahanap daw sila ng kakampi. Yung scene nilang dalawa sa tabing dagat kung san mananapak daw si Bella hanggang dun sa kwarto ni Bella. HAHAHA! I don’t want to put too much detail dun sa scene for those na hindi pa nakakanuod.

The best talaga dito si LOVE JOY eh!

“Alam mo, we all want to be the other girl, kaya nga pare-pareha tayong nadito eh, kasi hindi tayo yung kasama niya” – Clarisse (2016), Camp Sawi

Lines

Sarap murahin nung lines! Sa super natural umarte ng cast, yung pagbitaw ng lines super effective especially Arci! I like her better kapag yung roles niya kanto like this!

Swak yung lines. Hindi pinilit, parang normal conversation lang in real life.

Kudos Bela and Neil! 

“Kapag magkasama kami, nakikita ko naman na mahal niya ako eh, ang hindi ko maintindihan, bakit hindi ako, bakit hindi ako!” – Bridget (2016), Camp Sawi

Location

Based on my research, sa Bantayan Island daw to in Cebu. So if you are interested, Search it up in google just type in Camp Sawi Bantayan Beach and you’ll see there the specific resort where this movie was shoot.

“Alin, marupok? Yung konting care, konting halik, kakalimutan na natin lahat?” – Gwen (2016), Camp Sawi

Story

Kung napanuod mo yung movie na Jologs ng Star Cinema nuon, hindi sya ganun!

I like how swabe this movie is. Hindi magulo intindihin! Yung connection nilang 5 plus Sam’s (Eto yung part na hindi ko nagets. Sino Ex nya?)  eh all connected thru being sawi and moving on. Bawat role may kanya kanyang shining moment!

*Ang comment ko lang siguro is, nagfocus masyado sa girls tong movie. Maganda din sana if makita kung pano naman magmove on ang mga lalaki and LGBT. Maybe in the next movie?

Ayoko magbigay ng masyadong details to not pre-empt anything eh. Sorry lakwents react ko! hahaha! Basta maganda siya!

“Masarap naman talaga mainlove eh, kaya kahit nasasaktan tayo paulit ulit tayong nagmamahal” Gwen (2016), Camp Sawi

BALANG ARAW!  —– Ang talino ng nakaisip nito!

“Pagkatapos ba nito, makaka-move on na tayo? – Bridget

“Depende” – Gwen

“Depende Sayo” – Clarisse

Camp Sawi, 2016

I super recommend this movie. Feel Good movie siya!

That’s it for now.

KR.

Ash